Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsNegosyante binaril, inagawan ng NMax sa Sta. Maria

Negosyante binaril, inagawan ng NMax sa Sta. Maria

STA. MARIA, Bulacan — Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng buong kapulisan ng Santa Maria PNP laban sa mga salarin na bumaril at tumangay sa motorsiklo ng negosyante na kanilang naging biktima bandang ala-1:32 ng madaling araw noong Linggo (June 22) sa isang establisimyento ng Burger Machine sa Phoenix Gasoline Station sa Brgy. Bagbaguin sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na isinumite kay Col. Franklin P. Estoro, Officer in Charge ng Bulacan PPO, ang biktima ay kinilalang si Crisaldo Dela Cruz Mendoza, 37 taong gulang, residente ng Brgy. Sto. Tomas, Santa Maria. Nangyari ang krimen nang dumating sa lugar ang apat na hindi nakilalang mga lalaking suspek sakay ng 2 motorsiklong NMax.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis sa nag-iisang saksi na si alyas Princess, service crew ng Machine food stall, dumating ang biktima sa kanilang tindahan para mag-dine in nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek kung saan agad na inagaw ang dalang shoulder bag ng biktima.

Pumalag ang biktima, at dito na bumunot ng baril ang isa sa apat na suspek at agad pinaputukan ang negosyante, matapos makuha ang bag, tinangay rin ng mga suspek ang NMAx motorsiklo at mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Bocaue,

Samantala agad namang naisugod sa pagamutan ang negosyante, subalit idineklarang dead on arrival ng attending phycician ng Rogaciano Mercado Hospital.

Samantala, ang pamilya ng biktima ay nagpahayag upang bigyang linaw na ang kumakalat na balita sa ilang media outlets na ang Santa Maria Municipal Police Station ay rumesponde makalipas ang 30 minuto mula nang mangyari ang insidente ay hindi totoo at hindi nanggaling sa kanila. Ipinahayag din ng pamilya ang taos pusong pasasalamat sa mabilis at agarang pagresponde ng Santa Maria PNP sa insidente at sa mabilis na pagdala sa biktima sa ospital.

Kasalukuyan nang isinasagawa ng Santa Maria MPS ang masusing follow up na imbestigasyon at patuloy ang pakikipag ugnayan sa iba pang mga yunit upang matukoy at madakip ang mga suspek.

Tinitiyak ng mga awtoridad sa publiko na lahat ng kinakailangang hakbang ay isinasagawa upang matunton at madakip ang mga salarin sa lalong madaling panahon at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng pamayanan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News