CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang kaso ng carnapping ang mabilis na naresolba sa Lungsod ng Baliwag matapos ang agarang aksyon ng pulisya at ng mga tanod, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagbawi sa ninakaw na motorsiklo.
Col. Franklin P. Estoro, Officer in Charge ng Bulacan PPO, bandang alas-10:30 ng gabi noong Linggo (June 22) nang mangyari ang insidente sa Brgy. Virgen Delas Flores sa naturang lungsod.
Base sa imbestigasyon, iniwan ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Alpha 125, na may plate number 635WHN sa harapan ng tirahan ng kanyang kasintahan upang sunduin ito. Ilang sandali lamang ay narinig ang tunog ng kanyang motorsiklo at nang lumabas ay nakita ang suspek na kinilalang si alyas “Tame,” 37 anyos, at residente ng Brgy. Virgen Delas Flores, Baliwag, habang tinatangka itong tangayin.
Matapos ang maikling habulan, nahuli ang suspek at dinala sa Barangay Hall ng Brgy. Sto. Cristo upang humingi ng tulong sa mga awtoridad. Ang suspek ay itinurn-over sa Baliwag City Police Station para sa nararapat na imbestigasyon at dokumentasyon.
Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kasong paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) laban sa suspek upang maisampa sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Baliwag, Bulacan.
Pinuri ni Col. Estoro ang mabilis na aksyon at epektibong pagtutulungan ng komunidad at pulisya ng Baliwag na nagbigay-daan sa agarang pagkakahuli sa suspek at pagbawi sa ninakaw na motorsiklo. (UnliNews Online)