CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Bulacan PNP ang 3 most wanted person ng San Jose del Monte (City Level), at sa mga bayan ng San Miguel (Municipal Level) at Marilao (Municipal Level) noong Martes (June 24).
Base sa ulat na isinumite kay Col. Franklin P. Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO, naaresto ng mga tauhan ng SJDM Police Station dakong alas-4:03 ng hapon noong Martes sa Brgy. Poblacion ang Top 1 Most Wanted Person ng San Jose del Monte na si alyas “Dondon,” 41 anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 120, CSJDM, Bulacan noong April 3, 2025.
Sa katulad na operasyon, naaresto naman ng mga tauhan ng San Miguel MPS dakong alas-1:45 ng hapon sa Brgy. Tartaro, ang Top 1 Most Wanted Person ng San Miguel na si alyas “Renwell,” 26 anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness, na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 80, Malolos, Bulacan noong June 17, 2025.
Samantala, matagumpay namang nasakote ng mga tauhan ng Marilao MPS dakong alas-10:20 a.m sa Brgy. Loma de Gato, ang Top 6 Most Wanted Person (Municipal Level) na si alyas “Christine,” 40 anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa Paglabag sa BP 22 (8 counts), na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 24, Manila, noong April 21, 2025.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting units ang mga naarestong indibidwal para sa tamang disposisyon.
Ang serye ng mga operasyon ng Panlalawigang Kapulisan ng Bulacan sa pangunguna ni Col. Estoro, sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3, ay nagpapakita ng kanilang matibay na paninindigan sa paglaban sa kriminalidad.
“Sa pamamagitan ng mga operasyong ito, matagumpay na naaresto ang ilan sa mga most wanted at wanted na indibidwal, na siyang patunay sa pinaigting na kampanya ng kapulisan upang mapalakas ang laban kontra krimen sa lalawigan sa Bulacan,” dagdga pa ni Col. Estoro. (Unlinews Online)