NAIS nating batiin ang mga iginagalang na mga pulitiko, at mga lokal na pinuno ng Bulacan na nagwagi sa katatapos na 2025 elections: Binabati ko kayo sa inyong pinaghirapang tagumpay! Ang inyong dedikasyon at pangako sa paglilingkod sa mga taga-Bulacan ay kinikilala.
Hangad namin ang inyong karunungan, lakas, at hindi natitinag na dedikasyon sa inyong pagsisimula sa bagong kabanata ng pamumuno. Nawa’y markahan ang inyong termino ng pag-unlad, kaunlaran, at pagkakaisa para sa ating minamahal na lalawigan. Mabuhay!
Nitong nakaraang linggo sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, sinimulan ni Gobernador Daniel Ramirez Fernando ang kanyang ikatlong termino bilang punong ehekutibo ng Lalawigan ng Bulacan, na nanumpa sa kanyang panunungkulan sa harap ni Executive Judge Hermenegildo C. Dumlao II, sa ginanap na “Inauguration and Installation of All Newly elected Officials in the Province of Bulacan” sa Bulacan Capitol Gymnasium.
Naging matagumpay ang nasabing okasyon, kung saan dinaluhan ito ng mga nagwaging mga lokal na opisyal, sa pangunguna nila Gov. Daniel R. Fernando at VG Alex Castro. Namataan din natin ang Mayor ng Pandi na may kalayuan sa aking kinaroroonan, si Mayor Rico Roque, kasama ang mga nanalong miyembro ng Sangguniang Bayan.
Nabanggit na rin natin ang Bayang Pandi at si Mayor Roque, may pagbati mula sa mamamayan nito at Pulisya ng bayang naturan, narito po: “Bilang Isa sa hanay ng Pulisya sa Pandi, ako po ay sumasaludo sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan.
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagtulong at pagsuporta sa mga proyekto at programa, na naglalayong mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan. Ang inyong liderato at malasakit sa ating komunidad ay tunay na inspirasyon sa amin.
Kami po ay nagagalak sa mga pagbabago at pag-unlad na nakikita namin sa ating bayan sa ilalim ng inyong pamumuno. Muli, kami po ay nagpapasalamat sa inyong serbisyo publiko at pagmamahal sa ating bayan. Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Maykapal at bigyan ng lakas at karunungan upang makapagpatuloy kayo sa paglilingkod sa ating komunidad. Binabati ko po kayo butihing Mayor Enrico Roque. Maraming salamat po. -Pat. Jay March Teh Rivera, PNP, Pandi Station.
Ayon naman kay P/Lt. Col Rey Apolonio, COP ng Pandi, PNP, ay hindi lingid sa lahat na magaling at masipag si Mayor Rico Roque. Iniisip niya lagi na mapaganda, mapaunlad ang bayan ng Pandi, at mapaglingkuran ng husto at wasto ang kanyang nasasakupan.
Sa mga taga-Pandi, suportahan natin siya sa kanyang magandang pamamalakad, upang matupad pa ang mga pangarap ng Bayan ng Pandi. Kaya ang Municipality ng Pandi ay ginawaran ng The Seal of Good Local Governance for the year 2024. Iyan ang nasabi ng magaling at masipag din na Hepe ng Pulisya.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang katatapos na Election 2025 ay nagdadala ng isang kampay ng pag-asa mula sa mga uupong lokal na opisyal. Maaari nating asahan na uunahin nila ang mga proyekto sa pagpapaunlad ng komunidad, tumutuon sa pagpapabuti ng imprastraktura, pagpapalakas ng mga lokal na ekonomiya, at pagpapahusay ng mahahalagang serbisyo tulad ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon.
Ang kanilang tagumpay ay nakasalalay sa epektibong pakikipagtulungan sa mga residente at malinaw na pamamahala. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)