Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsP740K halaga ng shabu nasamsam sa Bulacan, 6 ‘tulak’ arestado

P740K halaga ng shabu nasamsam sa Bulacan, 6 ‘tulak’ arestado

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, matagumpay na nagsagawa ng sunod-sunod na operasyon ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) nitong Linggo (June 29).

Sa nasabing operasyon, anim na drug suspects at tatlong wanted na indibidwal ang naaresto, kasabay ng pagkakakumpiska ng 21 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P740,180.00 mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Bulacan.

Ayon sa report ni P/Maj. Michael M. Santos, Acting Chief of Police ng Bustos Police Station, naaresto ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng nasabing Police Station ang 1 drug suspect na nakilalang si alias “Jet” sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan, bandang 8:30 ng gabi ng June 29, 2025.

Nakuha mula sa kanya ang 7 plastic sachets ng suspected shabu at isang pirasong knot tied na hinihinalang shabu at may kabuuang street value na P680,000.00.

Bukod dito, limang indibidwal naman ang naaresto ng mga awtoridad mula sa San ildefonso, Obando, Norzagaray at Meycauayan CPS sa magkakahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga. Nakumpiska mula sa kanila ang 13 sachet ng suspected shabu na may tinatayang halaga na P60,180.00.

Ang lahat ng mga naarestong suspects ay nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kabilang dako, nagsagawa rin ng hiwalay na manhunt operations ang tracker teams mula sa Provincial Intelligence Unit (PIU) at San Jose Del Monte City Police Station, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 na wanted persons sa bisa ng kani-kanilang mga warrant of arrest. Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang mga arresting unit/himpilan ang mga naarestong indibidwal para sa nararapat na disposisyon.

Ang sunod-sunod na operasyon ng Panlalawigang Kapulisan ng Bulacan sa pamumuno ni P/Col. Angel L. Garcillano, at sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Brig. Gen. Ponce Rogelio I Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3, ay malinaw na nagpapakita ng kanilang determinasyon sa paglaban sa ilegal na droga at sa pagtugis sa mga wanted na personalidad.

“Sa pamamagitan ng mga pinaigting na hakbang, matagumpay na naaresto ang ilang drug suspects at mga indibidwal na may kinahaharap na kaso, na siyang patunay ng masigasig na pagpapatupad ng batas ng kapulisan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan,” ani Garcillano. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News