CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang dalawang indibidwal matapos hindi ibalik ang nirentahang sasakyan sa insidente ng “Rent-Tangay” na naganap sa Brgy. Mojon, Lungsod ng Malolos noong Huwebes (July 3).
Batay sa ulat ni Lt. Col Rommel E. Geneblazo, Hepe ng Malolos CPS, kinilala ang mga na arestong suspek na sina alias “RJ,” 49 anyos, at alias “JG,” 52, kapwa naninirahan sa Menzyland Subd., Brgy. Mojon.
Ang biktimang 33 taong gulang na isang real estate agent mula Bulakan, Bulacan, ay nag-ulat sa himpilan ng Malolos CPS na hindi naibalik ang kanyang Toyota Vios na nirentahan ng mga suspek mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 3, 2025.
Nadiskubre rin na tinanggal ng mga suspek ang GPS ng sasakyan noong Hulyo 2.
Nang tangkain ng mga biktima na bawiin ang sasakyan, tumanggi ang mga suspek na makipagtulungan at nagtangkang tumakas ngunit agad silang na naaresto ng mga operatiba ng Malolos police sa Brgy. Guihawa, sa nabanggit na lungsod.
Inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa sa City Prosecutor’s Office sa Malolos.
Ang Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni Col. Angel L. GArcillano, Acting Provincial Director, ay nananawagan sa publiko na maging mapagmatyag sa mga kahalintulad na modus operandi at agad na i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang transaksyon kaugnay sa pagrenta ng sasakyan. (UnliNews Online)