CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang binatilyo ang naaresto ng mga tauhan ng Baliwag City Police Station matapos maaktuhang pagtatangkang pagnanakaw ng isang motorsiklo na may kolong-kolong sa Brgy. Concepcion sa nasabing lungsod Linggo ng madaling araw (July 6).
Base sa ulat ni Lt. Col. Jayson F. San Pedro, Baliwag chief of police, kinilala ang suspek na si alias Jim residente ng Brgy. Basuit, San Ildefonso, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Baliwag CPS, iniwan ng biktima ang kanyang RUSI TC 125 na motorsiklo na may kolong-kolong at walang plaka sa tapat ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Ilang sandali pa’y nakarinig siya ng ingay mula sa kanyang motorsiklo at sa kanyang paglabas ay naaktuhan ang suspek na patakas na sakay nito. Agad siyang humingi ng tulong na nagresulta sa pagtugis at pagdakip sa suspek.
Agad na dinala ang suspek sa Baliwag City Police Station para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon. Sa kasalukuyan,
inihahanda na ang kaukulang kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) laban sa suspek na isasampa sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor ng Lungsod ng Baliwag, Bulacan.
Binigyang-diin ni Col. Angel L. Garcillano, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga direktiba ni Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng PRO3.
Aniya, “Hindi namin palalampasin ang anumang uri ng kriminalidad. Patuloy kaming maglilingkod upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan ng Bulacan.” (Unlinews Online