Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsKampanya laban sa iligal na droga pinaigting sa Bulacan, higit P129K shabu...

Kampanya laban sa iligal na droga pinaigting sa Bulacan, higit P129K shabu nasabat

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Tinatayang nasa P129,880.00 halaga ng shabu ang nakumpiska ng Bulacan police habang 6 na indibidwal na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa noong Lunes (July 7), bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat kay Col. Angel L. Garcillano, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO ni Lt. Col. Edilmar G. Alviar, SJDM chief of police, kinilala ang suspek na si Alias “Ricky,” 49 taong gulang, residente ng Brgy. Bagong Silang, Caloocan City, na naaresto matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang PNP poseur buyer kapalit ng markadong pera sa ikinasang buy-bust operation dakong 11:20 ng gabi sa Harmony Hill 1, Brgy. Muzon Proper, CSJDM, Bulacan.

Sa isinagawang protective search, nasamsam mula sa suspek ang markadong pera, tatlong heat-sealed sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P68,000.00, at isang motorsiklong Suzuki Raider 150 na kulay itim na may plakang 4608 UW.

Samantala, sa magkakahiwalay na drug-bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Malolos CPS, San Miguel, Bulakan, at Angat MPS, 5 drug suspek pa ang naaresto. Nasabat sa mga operasyon ang kabuuang 17 small plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P61,880.00, tatlo sachet ng hinihinalang marijuana at buy-bust money.

Ang lahat ng mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na ihahain sa Tanggapan ng Panlalawigang Piskal sa Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News