Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBabaeng tulak sa Tikay, arestado ng Malolos police sa P3.4M halaga ng...

Babaeng tulak sa Tikay, arestado ng Malolos police sa P3.4M halaga ng shabu

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Isang babaeng tulak ng shabu at itinuturing na High-Value Individual (HVI) ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PNP sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 500.42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,402,856.00 sa Barangay Tikay, Malolos City, nitong Linggo (July 13).

Batay sa ulat kay ni Col. Angel L. Garcillano, Acting Provincial Director dakong 12:20 ng madaling araw nitong Linggo ng magsagawa ng buy bust operation sa Barangay Tikay, Malolos ang joint operation ng PDEA Bulacan, Provincial Intelligence Unit at Malolos police

Ayon kay Garcillano, nasamsam sa 27-anyos na suspek ang isang maliit na heat-sealed plastic sachet at isang malaking vacuum-sealed plastic sachet, na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 500.42 gramo, tinatayang nagkakahalaga ng P3,402,856.00, at ang buy-bust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri.

Kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.

Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga at alinsunod sa direktiba ni Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng PRO3.

“Ang puwersa ng pulisya ay patuloy na nagsisikap na sugpuin ang drug trafficking para sa isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad sa buong lalawigan,” ani Garcillano. (UnliNews Bulacan)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News