Sunday, August 3, 2025
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaRozz Daniels, gagawan ni Doc Mon Del Rosario ng 2 kanta; Isang...

Rozz Daniels, gagawan ni Doc Mon Del Rosario ng 2 kanta; Isang X’mas original song at revival song

MULI after niyang dumalaw sa ’Pinas kung saan dito siya nag-spend ng Christmas Day, at nitong March 21 ay bumalik siya ng bansa at stay for good na silang mag-asawa dito sa bansa.

American citizen kasi ang husband ni Rozz na si David Daniels.

Nakapanayam namin kahit panandalian ang singer at ipinaalam niyang, “Nag-retire kaming mag-asawa.”

Ayon kay Rozz, ibig daw ni David na dito nila ilaan sa ’Pinas ang kanilang pagreretiro.

Tutal naman daw ay pareho na silang retire sa America kaya mamarapatin naman nila na i-enjoy ang benepisyong nakuha nila sa pagreretire.

Katunayan, nakapagpundar na sila ng tirahan sa Novali at maging ng sarili nilang sasakyan. May apat na anak sina Rozz at David na nasa America pa rin. Bibisita na lang daw sila sa US minsan sa isang taon upang dalawin ang mga anak na naka-base sa Amerika.

Kuwento ng Rock Diva, “Andoon sila, may kanya-kanyang trabaho, yung bunso ko may anak na, I have an eleven year-old grandson.

“So doon lang sila, siguro baka bibisita sila dito paminsan-minsan.”

Tanggap daw ng mga anak nila na sa Pinas na sila maninirahan ni David?

“Gusto nila, kasi alam nila na bumabalik ako dito para lang kumanta, e. So gusto nila na i-pursue ko yung career ko dito talaga.”

Ang mister ni Rozz na si David ang may gusto na sa Pilipinas sila mag-retire.

“Very supportive siya sa singing career ko. Gusto niya i-pursue ko na ito tuluy-tuloy.

“Tapos para maging malapit ako sa kapatid ko dahil wala na ang mama namin so ako na ang mag-aalaga sa kapatid ko.”

Tama naman ang mag-asawa na walang mangyayari sa singing career ni Rozz kung ang pagiging visible lang niya sa press at kapag may mga kantang ipo-promote.

Iba rin daw kasi na nakikita ang kanyang presensiya hindi yung now you see, now you don’t.

“Korek, oo!

“Kasi limited lang yung ano ko di ba? Uwi ko dito four to five weeks lang, tapos uuwi na naman ako sa Amerika.

“Magre-re-record ako, mapuputol hindi matatapos.”

Sa ngayon ay hindi na nag-aalinlangan si Rozz na ipagpatuloy ang kanyang singing career. Tuluy-tuloy na ito at wala nang urungan pa.

Malapit nang i-release ang revival song niya na Ibang-Iba Ka Na na originally ay si Renz Verano ang kumanta.

May gagawin rin siyang isa. pang revival song under the helm of Doc Mon del Rosario, ang mga gumawa ng mga sikat na awitin noon ni Imelda Papin.

Dalawang kanta ang nakatakda niyang gawin under Doc Mon, ang isa ay original Christmas song, aside ang revival na Bulong ng Damdamin noong 1982. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News