Ni Clarence May De Guzman
PANDI, Bulacan — Pormal ng pinirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Baliuag University at ng Pamahalaang Bayan ng Pandi, sa pangunguna ni Mayor Rico Roque, kasama sina Dean Atty. Buko Dela Cruz at Dr. Patricia B. Lagunda, Pangulo ng Baliuag University upang makapagbigay ng libreng pag-aaral ng abogasya para sa lahat ng empleyado sa lokal na pamahalaan ng Pandi.
Sa bisa ng kasunduang ito, sasagutin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng gastusin para sa Juris Doctor (JD) program ng mga kwalipikadong LGU–Pandi employees kabilang dito ang tuition fees , miscellaneous, academic-related fees at allowance at iba pang suporta.
Ayon kay Mayor Rico Roque, layunin ng programa ay makapagbigay ng pagkakataon sa mga empleyado na maging makapagaral ng na abogasya nang walang pinansyal na hadlang, upang makapaglingkod nang mas mahusay at mas may kakayahan sa bawat mamamayan ng Pandi.
Para kay Engracia Mauricio empleyado ng munisipyo, ay lubos ang pagpapasalamat nila sa mga ganitong programa para sa mga katulad niyang kawani ng LGU.
“Ayaw ni Mayor Roque na nakatigil lamang tayo, nais niyang mas lalo tayong umunlad sa larangang propesyunal at mapataas ang ating kaalamaan na may kinalaman sa pagbibigay serbisyo publiko,” aniya.
Kung si Evelyn Martin kasalukuyang Public Market Administrator sa bayan ng Pandi naman ang tatanungin mas nakakadagdag aniya ng confident at nakakapagdagdag ito ng inspirasyon para sa kanila dahil suporta na ibinibigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.
“Mas malaki po ang tulong sa amin, sobrang inspired po kami. Sobrang salamat sa mga ganitong inisyatibo kase hindi lang naman para sa amin ang benepisyo noon pati buong bayan ang makikinabang.” (UnliNews Online)

