LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Dalawang hinihinalang nagtutulak ng iligal na droga ang inaresto ng Malolos PNP Station Drug Enforecement Unit sa Barangay Tikay noong Biyernes ng hapon (Aug. 29).
Ayon sa ulat ni Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Hepe ng Malolos City Police Station, ikinasa ng mga operatiba ng Malolos CPS ang isang buy-bust operation laban sa ilegal na droga dakong alas-5:35 ng hapon noong Agosto 29, 2025 sa Brgy. Tikay, Malolos City, Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto ng 2 suspek
Kinilala ni Col. Geneblazo ang mga suspek na sina alyas “Louie”, 40 anyos, construction worker at residente ng Brgy. Longos, Malolos, at alyas “Wewe”, 44 anyos, residente ng Brgy. Sumapang Matanda, Malolos.
Narekober mula sa kanila ang kabuuang 7 transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000.00 (Standard Drug Price), marked money sa operasyon.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos pNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 )Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
Sa patuloy na operasyon ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga sa pamumuno ni Col. Angel L. Garcillano, Bulacan Provincial Director, katuwang ang iba’t ibang yunit ng pulisya, lokal na pamahalaan, at mga mamamayan, ay patuloy na isinusulong ang kaligtasan, kaayusan, at kaunlaran ng buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

