CALUMPIT, Bulacan — Nagsagawa ng PNP Community Outreach Program ang Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU 3) at Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) Bulacan PPO, na ginanap sa Northville 9, Brgy. Iba O’ Este, Calumpit, Bulacan noong Linggo (Sept. 21).
Ang naturang pangunguna programa ay pinangunahan nina Lt. Col. Lorvinn Layugan, chief RPCADU 3, katuwang sina Lt. Col. Leonard M. Lim, chief, PCADU at ang hepe ng Calumpit na si Lt. Col. Leopoldo Estorque.
Sa programa, personal na nakibahagi si Lot. Col. Estorque, sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo at community engagement sa mga residente ng NV9. Taos-puso rin niyang ipinahayag ang pasasalamat sa pagpili sa bayan ng Calumpit bilang isa sa mga benepisyaryo ng aktibidad.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay hindi lamang nakatutulong sa pagbibigay ng agarang tulong at serbisyong panlipunan, kundi higit pang nagpapalalim sa ugnayan ng kapulisan at komunidad.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikipagdayalogo, naipapakita na ang PNP ay hindi lamang tagapangalaga ng kapayapaan at kaayusan, kundi tunay na katuwang at kakampi ng bawat mamamayan tungo sa mas ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Kapitan Alexander C. Manio ng Brgy. Iba O’ Este sa pagkakapili ng kanilang barangay bilang isa sa mga napiling makilahok sa naturang programa.
Ayon kay Col. angel. L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Ang ating pagtutulungan sa mga ganitong programa ay sumasalamin sa malasakit at pagkakaisa ng kapulisan at komunidad. Sa pagpapalakas ng ugnayan at pagbibigay ng serbisyong panlipunan, mas nagiging matibay ang pundasyon ng kapayapaan at kaayusan sa ating lalawigan. (UnliNews Online)

