Wednesday, January 21, 2026
Amana Water Park
HomeLifestyleEvents & HangoutsGoyo @150: Makabayang dulang musikal, bibida ngayong Nobyembre

Goyo @150: Makabayang dulang musikal, bibida ngayong Nobyembre

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang paggunita sa ika-150 kaarawan ng bayaning rebolusyonaryo na si Heneral Gregorio “Goyo” del Pilar, itatanghal ng grupo ng pamana at kultura na Kabesera Inc. ang “Goyo @150: Para sa Bayan, A Heroic Musical Play”, isang orihinal na musical play na itatanghal sa Nobyembre 8 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, ganap na ika-7 ng gabi.

Itatanghal sa musical play ang naging kabayanihan at sakripisyo ni Heneral Goyo at ng kanyang mga kasapi, ang “Brigada del Pilar”, na mauuwi sa maalamat na Labanan sa Tirad na naganap noong Disyembre 2, 1899 kung saan inialay ni Goyo at ng kanyang mga tauhan ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang bayan.

Magkakaroon ang musikal ng karagdagang pagtatanghal sa Nobyembre 24-25 sa Assumpta Academy sa bayan ng Bulakan.

Pormal namang inilunsad ang produksyon sa media noong Setyembre 15 na ginanap sa Museo ni Marcelo H. del Pilar sa Bulakan.

Samantala, ang malilikom na halaga mula sa mga tiket na nagkakahalaga ng P3,000 ay ilalaan para sa pagtatayo ng Bulakan Culture and Heritage Community Center (BCHCC), na ayon sa tagapangulo ng Kabesera na si Fortunato dela Peña, ay magsisilbing tahanan ng mayamang kultura at kasaysayan ng iba pang mga bayaning Pilipino.

Bukod sa pagbibigay pugay sa kabayanihang pamana ng isang batang heneral, layunin din ng musikal na maging isang kilusang pangkultura upang mapanatili at maipagpatuloy ang pagsasalin ng mga kwento ng kasaysayan sa mga darating pang henerasyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News