PANGASINAN — Aabot sa P850 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o kilala sa tawag na shabu ang nasabat ngmga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa nasbing probinsya noong Huwebes (Oct. 2).
Ang iligal na droga, na tumitimbang ng humigit kumulang 125 kilo, ay inilagay sa loob ng mga plastic tea bag.
Ang drug join operation at pinagsanib puwersa ng mga elemento ng PDEA Intelligence Service; at PDEA Regional Office I Pangasinan Provincial Office, kasama ang mga miyembro ng lokal na Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group; National Intelligence Coordinating Agency (NICA); at Armed Forces of the Philippines (AFP) Counterintelligence Group, kung saan matagumpay naisagawa ang entrapment operation sa kahabaan ng Olongapo Bugallon Road, Pangasinan.
Batay sa report Ng PDEA Region 1, kinilala ang nga naarestong suspek na sina alyas “Monkey”, 40 anyos, isang Chinese National na naninirahan sa Paliparan 3, Cavite City; at alyas “Gardo”, 54, residente ng Mampang, Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Bukod sa mga nakumpiskang iligal na droga, nakuha sa mga suspek ang isang Hyundai Starex, isang mobile phone at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon ay produkto ng patuloy na pagsubaybay sa mga nakaraang operasyon na nagta-target sa mga indibidwal na konektado sa syndicated drug trafficking upang isama ang kanilang mga pinanggalingan. (UnliNews Online)

