PANDI, Bulacan — Muli na namang nagkamit ng karangalan ang nayana ng Pandi matapos tanghalin bilang 2nd Place sa Huwarang Palengke (Small Market Category) at tumanggap din ng Special Award: Market Modernization!
Iginawad po ang parangal na ito ng DTI Bulacan, katuwang ang Bulacan Consumer Affairs Council (BCAC) isang patunay ng patuloy nating pagsisikap na mapaunlad at mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at modernisasyon ng ating pamilihan.
Ang palengke ay isa sa pagkakakilanlan ng bawat munisipalidad, at sa ating sama-samang malasakit at disiplina, patuloy nating pinatutunayan na ang Pandi ay isang huwarang bayan sa sERbisyong may puso at talino! (UnliNews Online)

