Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, responsableng pamumuno, at mabuting pamamahala, kinilala ang Bulacan bilang SubayBAYANI Award Exemplar for 2025 sa ginanap na prestihiyosong pagpaparangal kamakailan sa Manila Hotel, Lungsod ng Maynila.

Kinikilala ng SubayBAYANI Awards ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang naghahatid ng konkretong resulta at magandang epekto sa mga komunidad ng mga Pilipino, kundi nagpapakita rin ng kahusayan ng mga lokal na proyekto, pagmomonitor, at participatory governance. Napabilang ang Bulacan sa mga huwarang lalawigan kasama ang iba pang lalawigan sa Rehiyon 3 kabilang na ang Aurora at Bataan.

Inihayag ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa natanggap na pagkilala kung saan idiniin niya na ang parangal ay resulta ng sama-samang dedikasyon ng frontliners, mga kawani ng pamahalaan, mga lokal na organisasyon, at ng buong komunidad.

Binigyang-diin niya ang paniniwalang ang patuloy na pag-unlad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“Sa ating mga kababayang Bulakenyo, para sa inyo ang parangal na ito. Kayo ang inspirasyon ng bawat desisyon at bawat proyektong isinusulong namin,” ani Fernando.

Higit pang nabigyang kahalagahan ang parangal matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong“Marcos, Jr. ang kanyang keynote address kung saan binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng pagkakaroon ng transparency sa paglilingkod bayan, kung saan pinaalalahanan niya ang mga opisyal na ang mamamayang Pilipino ay mapanuri at may karapatang managot ang kanilang mga pinuno.

“Inaasahan natin na kapag bukas tayo sa publiko, mas titibay ang kanilang tiwala sa gobyerno, mas lalawak pa ang kanilang pakikibahagi sa ating pagbabago,” anang Presidente.

Ang SubayBAYANI Awards na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay patuloy na nagsisilbing mahalagang hakbang upang palakasin ang tapat at responsableng pamamahala sa buong bansa. ( UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News