PANDI, Bulacan — Pormal na naisakatuparan ang ceremonial MOA signing para sa PUP Extension Program mula sa PUP Open University System para sa nasabing bayan.
Simula sa susunod na Academic Year, magkakaroon na ng mga kursong pangkolehiyo sa Bayan ng Pandi.
Ang mga kursong ilalatag sa PUP Pandi ay ang mga Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management, Bachelor of Science in Tourism Management at Bachelor of Arts in Journalism.
Lubos ang pasasalamat ng mga Pandieño sa pangunguna ni Mayor Rico Roque kay PUP President Dr. Manuel M. Muhi, pati na rin po kay Dr. Rudolf Anthony A. Lacerna, Executive Director ng PUP OUS, sa kanilang tiwala at suporta na maihatid ang tertiary edukasyon para sa mga Pandieno!
“Maraming salamat po sa PUP at sa lahat ng bumuo ng programang ito! Excited na kami sa mga oportunidad na dala nito para sa ating mga kababayan,’ saad ni Mayor Roque. ( UnliNews Online)

