BOCAUE, Bulacan — Isinagawa ang isang masusing ocular inspection sa Brgy. Turo, Bocaue na pinangunahan ni P/Col. Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, kasama si Lt. col. Virgilio D. Ramirez, acting Chief of Police ng Bocaue Municipal Police Station.
Ang aktibidad ay bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbisita ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. upang personal na masuri ang mga lugar na saklaw ng aktibidad at matiyak ang kahandaan ng mga kinauukulang yunit.
Layunin ng ocular inspection na suriin ang mga aspeto ng seguridad, kaayusan ng lugar, at antas ng koordinasyon sa pagitan ng mga police units at iba pang stakeholders.
Sa pamamagitan nito, masisiguro ang maayos, ligtas, at mahinahong daloy ng mga aktibidad kaugnay ng pagbisita, alinsunod sa adbokasiya ng Philippine National Police na maghatid ng Serbisyong Mabilis, Tapat, Nararamdaman ng mga mamamayan. (UnliNews Online)

