CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Sa pinaigting na laban kontra sa ilegal na droga, matagumpay na nagsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operation ang Bulacan Police Provincial Office noong Disyembre 28-29, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang indibidwal, pagkakasamsam ng 12csachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P174,080.00, at buy-bust money.
Ayon sa report dalawang drug suspect ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga sa Brgy. San Rafael V, SJDM, noong Disyembre 18, 2025 dakong 1:10 ng hapon.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P102,000.00, isang improvised shotgun (sumpak), isang 12 gauge ammunition, at buy-bust money.
Sa katulad na operasyon, tatlong indibidwal ang naaresto ng mga tauhan ng Santa Maria at San Rafael Police Station sa magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 7 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halagang P72,080.00.
Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bilang bahagi ng pinaigting na laban kontra sa iligal na droga, patuloy ang Bulacan Police Provincial Office sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga sangkot dito. (UnliNews Online)

