CITY OF MALOLOS — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, ang Malolos City Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Chief of Police, ay nagsagawa ng Oplan Sita / Anti-Criminality Checkpoint Operations tuwing hatinggabi sa iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod.
Layunin ng operasyon na mapalakas ang presensya ng kapulisan, maiwasan ang kriminalidad, at matiyak ang kaligtasan ng publiko ayon kay Lt. Col. Geneblazo.
Sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay sa mga motorista at indibidwal na dumaraan sa mga checkpoint, nakapagbigay ang kapulisan ng dagdag na seguridad at kumpiyansa sa komunidad.
Ang naturang operasyon ay isinagawa bilang bahagi ng paghahanda at paghihigpit ng seguridad sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon, upang matiyak na ligtas, mapayapa, at maayos ang selebrasyon ng bawat mamamayan.
Ang Malolos CPS ay nananatiling nakatuon sa proactive policing at crime prevention, alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police at Lokal na Pamahalaan ng Malolos, upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. (UnliNews Online)

