PANDI, Bulacan — Bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, hinandugan ni Konsehal Sec. Arman Concepcion ng libreng wheelchairs ang mga PandieƱos na kabilang sa mga persons with disabilities (PWD’s) sa mga komunidad sa nasabing bayan.
Ito ang isa sa kanyang mga hangarin sa pagpasok niya sa mundo ng pulitika ang unahin at maging prayoridad sa kanyang mga programa ang hanay ng mga may kapansanan na kababayan kung saan sa abot ng kanyang makakakaya ay ibibigay niya sa mga ito ang kalinga at pagmamahal na narararapat.
Kaya naman sa pamamagitan ng pamamahagi ng wheelchairs sa mga ito ay labis ang pasasalamat at ngiti sa labi ng mga nabiyayaan dahil naramdaman nila ang pag-alalay sa kanila ni Konsehal Arman na sa halip solohin ang pagdiriwang ng kanyang birthday ay minarapat na magbahagi ng kanilang pangangailangan.
Para kay Konsi Sec. Arman Concepcion, mahalaga ang kalusugan ng kanyang mga kababayan pangunahin na ang may kapansanan kung kaya’t isang pagkalinga ang kanyang Inilunsad sa mga barangay upang ibahagi ang mga wheelchairs sa mga PWDs sa Pandi na magagamit nila araw-araw.
Ito ay regalo ng mabait at masipag na konsehal sa kanyang mga kababayan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan at papuri na rin sa Panginoon dahil sa patuloy na pag-iingat sa kanya at pagdaragdag pa ng panibagong taon ng kanyang buhay. (UnliNews Online)

