PANDI, Bulacan — Umpisa pa lamang ng taong 2026, ramdam na natin ang pagdating ng mga oportunidad sa ating bayan, sapagkat ang Bayan ng Pandi ay pinagkalooban ng ₱1 Million Financial Grant mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
Ang financial grant na ito ay malaking tulong pangkabuhayan bilang panimula para sa ating mga ka-Pandieño na nagnanais magsimula ng negosyo o anumang hanapbuhay.
Taos-puso namang nagpasalamat si Mayor Enrico Roque kay Asst. Regional Director Alejandro Inza Cruz, sa DOLE Bulacan Office, at sa ating PESO Office.
“Sa pamamagitan ng programang ito, mas marami ang matutulungan upang mas mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga kababayan,” ani Roque.
Dagdag pa ng alkalde, dito sa Bayan ng Pandi, tuloy-tuloy ang serbisyong may puso at talino para sa bawat Pandieño. (UnliNews Online)

