Tuesday, March 17, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 Panukalang Kapasyahan ni Vice Gov. Alex Castro, inaprubahan ng SP

2 Panukalang Kapasyahan ni Vice Gov. Alex Castro, inaprubahan ng SP

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal nang inaprubahan ng ika-12 Sangguniang Panlalawigan ang dalawang panukalang kapasyahan na naglalayong maprotektahan ang kapakanan ng mga Bulakenyo laban sa epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at sa mga mapagsamantalang gawain sa bentahan ng produktong petrolyo.

Ang mga nasabing panukala ay inakda ni Vice Governor Alexis Castro, na siya ring Tagapangulo ng Hapag sa isinagawang Karaniwang Pagpupulong ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan.

Kabilang sa mga naaprubahan ang Proposed Provincial Resolution No. 20-2025, na mahigpit na nananawagan sa mga lungsod at bayan sa lalawigan ng Bulacan na masusing bantayan at bawiin ang mga business permit ng mga establisyemento na sangkot sa overpricing ,hoarding, pagtangging magbenta ng mga produktong petrolyo.

Layunin ng panukalang ito na maprotektahan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang gawain na lalong nagpapahirap sa mga mamamayan sa gitna ng pabago-bagong presyo ng langis.

Samantala, inaprubahan din ang Proposed Provincial Resolution No. 21-2025, na humihiling sa Pambansang Pamahalaan na maglaan ng fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda at mga driver ng pampublikong sasakyan (PUV) sa lalawigan ng Bulacan. Ang panukalang ito ay tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng krisis sa Gitnang Silangan, na may malaking epekto sa sektor ng agrikultura, pangingisda, at transportasyon.

Ayon sa Sangguniang Panlalawigan, mahalaga ang mga hakbang na ito upang mapagaan ang pasanin ng mga Bulakenyo, lalo na ang mga sektor na direktang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa pamamagitan ng mga naaprubahang resolusyon, ipinapakita ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy nitong pagsulong ng mga polisiya at panukala na naglalayong pangalagaan ang kapakanan , kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan ng Bulacan.

Ang mga resolusyong ito ay inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang upang matiyak ang patas na kalakalan sa bentahan ng petrolyo at makapagbigay ng kinakailangang suporta sa mga sektor na lubhang apektado ng kasalukuyang sitwasyon sa pandaigdigang merkado ng langis. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News