Tuesday, May 5, 2026
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTPag-publish ng Provincial/City/Municipal ordinance sa Dyaryo naaayon sa batas

Pag-publish ng Provincial/City/Municipal ordinance sa Dyaryo naaayon sa batas

ANG bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan ay mayroong kani-kanyang mga ordinansa na ipinapasa at ang kalagayang ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng sangguniang panlalawigan, sangguniang panglungsod at sangguniang pambayan ayon sa bilang ng mga ordinansa na kanilang naipasa at napagtibay sa loob ng isang taon.

Alinsunod sa Local Government Code (RA 7160) kailangang i-publish o ilathala sa pahayagan pambayan/panglalawigan ang mga naipasang ordinansa ng nga sanggunian ng munisipyo, lungsod at probinsiya dahil ito ang hinihingi ng batas.

Kailangang isinasapubliko ang mga ordinansang naipasa nang sa gayon ay malaman ng mga mamamayan ang mga bagong batas o regulasyong naipasa ng mga konsehal ng bayan, mga konsehal ng lungsod at mga kagawad ng sanggunian panlalawigan ayon sa Section 59 ng RA 7160 Samakatuwid, Kailangang ilathala ang approved ordinances sa alinmang pahayagan na may sirkulasyon sa munisipyo o lalawigan.

Papaano nagkakabisa at magiging epektibo ang ordinansa? Ito ay magiging ganap at epektibo pagkatapos ng publication sa loob ng 15 araw makaraang maisapubliko o mailathala sa pahayagan (Section 61, RA 7160).

Sasabihin ng mga kritiko na dyaryo lang yan. Puwede namang ipaskil lang sa bulletin board o sa tanyag na lugar ang type written na ordinasa tutal mababasa din naman ng publiko. Ang ganitong gawi ay hindi naaayon sa batas kaya kailangang sundin kung ano ang nakasaad sa batas dahil magsisilbing ebidensiya o pruweba ng kapahayagan ang nailathalang ordinansa.

Sa bawat lalawigan ay mayroong community newspaper at sa ganitong uri ng pahayagan inilalathala ang ordinansa. Dahil hindi lang naman isa o dalawa ang weekly newspaper sa bawat lalawigan, nangyayari na nagkakaroon ng bidding sa paglalathala ng ordinansa. Halimbawa naman na gusto ng local officials na mapagbigyan ang mga may-ari ng pahayagan, ang mga publisher na ang bahalang mag-usap. Kumbaga magbibigayan na lang para kumita ang lahat.

Halimbawa sa isang dyaryo na lang ilalathala ang kabuuang ordinansa pero mayroon ng naganap na kasunduan ang publisher na nag-publish at ang ibang publishers na kausap. Mainam ang ganyang kostumbre para ang kumita ang lahat. Walang palakasan system. Ganyan sana ang pairalin ng mga vice governor, city vice mayor at municipal vice mayor. Patas, parehas, pantay pantay ang pagtingin sa mga publisher na kanilang kalalawigan, kasiyudad at kabayan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News