Tuesday, May 26, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 suspek sa pamamaril, arestado ng SJDM police; P340K shabu nasamsam

2 suspek sa pamamaril, arestado ng SJDM police; P340K shabu nasamsam

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Agad na nasakote ng mga operatiba ng San Jose Del Monte City Police Station (SJDM CPS) ang dalawang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang indibidwal sa isinagawang follow-up operation noong Lunes (Mayo 25) sa Brgy. Muzon South, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Reyson M. Bagain, Hepe ng SJDM CPS, nagsagawa ng masusing follow-up operation, intelligence monitoring, at data gathering ang mga operatiba upang matukoy ang pinagtataguan ng mga suspek matapos ang insidente ng pamamaril na naganap noong Mayo 24, 2026 sa Phase 2, Pabahay 2000, Brgy. Muzon South, CSJDM, Bulacan.

Bandang alas-1:41 ng hapon noong Lunes, matagumpay na naaresto ang mga suspek na sina alias “Bugi,” 26-anyos, at alias Glen, 23-anyos, sa Blk 1 Lot 20 Section 20 Phase 2 ng naturang barangay.

Sa isinagawang lawful arrest at protective search, nakumpiska mula kay alias “Bugi” ang isang caliber 9mm pistol na naglalaman ng 7 bala, kabilang ang isang bala sa chamber, isang belt bag.

Nasamsam din sa mga suspek ang isang sky blue pouch na naglalaman ng 13 heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit-kumulang 50 gramo at may Standard Drug Price na aabot sa P340,000.00. Narekober din ang isang kulay abong hoodie jacket na may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Agad na isinagawa ang on-site marking at inventory ng mga nakumpiskang ebidensya alinsunod sa Section 21 ng R.A. 9165. Dinala naman ang mga suspek sa OLSJDM para sa physical examination bago isinailalim sa kustodiya ng SJDM CPS para sa kaukulang disposisyon.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code, gayundin ng mga kasong paglabag sa R.A. 9165 at R.A. 10591 laban sa mga naarestong suspek. Isusumite rin ang mga nakuhang ebidensya sa forensic laboratory para sa ballistic at laboratory examination. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News