Tuesday, May 26, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsDrug Bust operations ng Bulacan police, 7 timbog at mahigit P100K halaga...

Drug Bust operations ng Bulacan police, 7 timbog at mahigit P100K halaga ng shabu nasabat

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang pitong na indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng Bulacan police nitong araw ng Linggo at Lunes (Mayo 24 at 25).

Batay sa ulat ni P/Lt. Reyson M. Bagain, Hepe ng SJDM CPS, dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang Street Level Individual, ang naaresto ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng SJDM CPS sa isinagawang buy-bust operation noong Mayo 24, 2026 sa Brgy. Muzon South, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas Bugsiaw, 32 taong gulang, at Alyas Joe, 33 taong gulang at kabilang sa Street Level Individuals (SLI). Nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng marked money na nagkakahalaga ng limang daang piso.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang marked money at dalawa pang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit-kumulang limang (5) gramo na nagkakahalaga ng Php 34,000.00.

Samantala, ayon sa ulat na isinumite ng mga Chief of Police ng Marilao, Hagonoy at Pandi MPS at SJDM CPS, magkahiwalay na drug-bust operations na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units na nagresulta sa pagkakaaresto ng 5 drug pushers at pagkakasabat ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 10.38 gramo at may tinatayang halaga na P70,584.00, kasama ang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa mga suspek

Binigyang-diin ni P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na ang patuloy na pagkakaaresto sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ay patunay ng mas pinaigting ang kampanya ng Bulacan Police laban sa mga iligal na aktibidad.

Aniya, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News