PANDI, Bulacan — Umarangkada na ang SSS e-Wheels Palengke Caravan sa nasabing bayan hatid ay “aksyon serbisyo” sa mga Pandieño.
Noong Friday (June 26), hindi na kailangang bumiyahe nang malayo para makakuha ng mahahalagang serbisyo ng SSS ang mga residente ng Bayan ng Pandi dahil sa SSS On Wheels, mismong serbisyo na ang lumapit at humimpil sa pampublikong palengke.

Ayon kay Mayor Enrico Roque, maraming mga ka-Pandieño ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyong hatid ng Social Security System (SSS), kabilang ang My.SSS Registration, pagkuha ng SSS Number, E4 Update, online payment assistance, at iba pang mga transaksyon na mahalaga para sa bawat miyembro.
Patunay ito na kapag nagtutulungan ang pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno, mas nagiging mabilis, mas madali, at mas malapit ang serbisyo para sa Pandieño, ani pa ni Roque. (UnliNews Online)

