LUNGSOD NG MALOLOS — Ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Panlungsod na Tanggapan sa Pagsasaka ang 100,000 piraso ng tilapia fingerlings para sa 50 maliliit na namamalaisdaan sa naturang lungsod.
Layunin ng programa na makatulong sa mga maliliit na fishpond operators sa pagpapalakas ng kanilang produksyon, pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan, at pagsusulong ng food security at sustainable aquaculture sa lungsod.

Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Romeo Bartolo, Pinuno ng Panlungsod na Tanggapan sa Pagsasaka ng Malolos, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na suporta at mga programa para sa mga maliliit na namamalaisdaan upang mapalakas ang produksyon at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa paghahatid ng mga programang pangkabuhayan at suporta para sa ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa mas masagana at matatag na komunidad. (UnliNews Online)
Source: City Agriculture Office of Malolos

