Wednesday, October 28, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPandi Infirmary, pormal nang binasbasan; serbisyong medikal palalawakin

Pandi Infirmary, pormal nang binasbasan; serbisyong medikal palalawakin

PANDI, Bulacan — Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Pandi ang pormal na pagbabasbas sa Pandi Infirmary, na layong mailapit sa mga residente ang mas dekalidad at maaasahang serbisyong medikal.

Ang naturang pagbabasbas ay pinangunahan ni Mayor Enrico Roque kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at mga empleyado ng Pamahalaang Bayan at itinuturing na mahalagang hakbang ang pagtatatag ng pasilidad sa pagpapabuti ng serbisyong medikal at pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Ka-Pandieño.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang proyekto, na sumasalamin sa pagkakaisa at sama-samang pagsisikap para sa kapakanan ng komunidad.

Patuloy na isinusulong ng pamahalaang bayan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa ilalim ng adhikaing serbisyo at progreso para sa bawat Ka-Pandieño.

Ang Pandi Infirmary ay matatagpuan sa Barangay Mapulang Lupa at tapat ito ng Massway. Dry run pa lang pero bukas ang naturang infirmary ng 24 oras. Ang pormal na inagurasyon ay gaganapin sa Nov. 6, 2026. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News