Thursday, June 5, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsP2 milyon ‘pabuya’ sa impormasyon ng mga gunmen sa San Rafael ambush

P2 milyon ‘pabuya’ sa impormasyon ng mga gunmen sa San Rafael ambush

CAMP OLIVAS, Pampanga — Nakatakdang magbigay ng 2 milyong pisong pabuya o reward money ang Police Regional Office 3 kapalit nang impormasyon na hahantong sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga gunmen na pumatay sa isang kawani ng isang kandidato sa pagka-kongresista sa Bulacan at sa dalawa nitong kasama sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.

Ito ang naging pahayag ni Brig. Gen. Jean Fajardo, PRO3 regional director, sa isang pulong-pambaalitaan na isinagawa sa Camp Olivas sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga nitong Lunes ng hapon (March 24).

Sinabi ni Gen. Fajardo na mayroon na silang malinaw na CCTV footage sa plate number ng sports utility vehicle na ginamit ng mga gunmen ngunit hindi pa umano sila naglalabas ng iba pang detalye tungkol sa mga suspek at idinagdag na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para sa posibleng pagdakip sa mga killer at utak sa likod ng nasabing pananambang.

Kung makikita sa mga imbestigasyon na isang “politically motivated” ang naturang pagpatay at sinabi ni Fajardo na irerekomenda nila sa Commission of Election na ilagay ang bayan ng San Rafael sa yellow category ng mga areas of concern nito.

Samantala, tinanong din ng isang broadcast mediaman na nakabase sa Bulacan si Brig. Gen. Fajardo kung may awtoridad ang mga pulis na burahin ang mga video/photo footages ng kanyang cameraman habang nagsasagawa ng lehitimong news coverage tulad ng nangyaring ambush killing sa bayan ng San Rafael kamakailan.

Sagot ng heneral, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng reklamo na iuutos ng isang chief of police na kumpiskahin ang camera ng mga mediamen at burahin/buburahin ang nilalaman ng video/photo.

Paliwanag ni Fajardo, wala sa patakaran ng Philippine National Police na pagbawalan ang mediamen na kumuha ng footage ng isang insidente dahil trabaho ng mediamen na magdokumento ng isang kaganapan.

Ipapatawag daw niya ang chief of police ng San Rafael, Bulacan at kung kinakailangan ay disiplinahin o tanggalin sa kanyang puwesto habang hinihintay nila umano ang opisyal na reklamo ng nasabing mediaman at magsasagawa sila ng mabilis na aksyon dahil “hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng chief of police sa kasamahan nating media.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News