PILAR, Bataan — Bukas na muli sa publiko ang Mt. Samat Underground Museum na matatagpuan sa ilalim ng colonnade ng Dambana ng Kagitingan in Mt. Samat, Pilar, Bataan.
Tinagurian ito ngayon na ‘Bataan World War II Museum and the Legacy of Bataan and Its Heroes’ na ginawang moderno sa tulong ng P19 milyong pagpopondo ng P19 milyon ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), na isang government-owned and controlled corporation sa ilalim ng Department of Tourism (DOT).
Naging hudyat ang muling pagbubukas nito sa publiko nang binisita ito ni President Ferdinand R. Marcos bilang bahagi ng paggunita sa Ika-83 Taong Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Ang nasabing museo ay bahagi ng pagtatayo nitong Dambana ng Kagitingan na pinasimulan noong 1966 bilang alay ng noo’y Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. sa mga Pilipinong nag-alay ng buhay at sakripisyo noong Ikalawang Digmaang Pandaidig.
Una itong binuksan sa publiko ng dating pangulo noong in Abril 9, 1970.
Iprinisinta ni Atty. Francis Theodore B. Initorio, administrator ng Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone ng TIEZA, kay Pangulong Marcos ang isang orihinal na pananda nitong museo na isinailalim sa restorasyon na isinasaad at nagkukumpirma na ang kanyang ama na si Dating Pangulong Marcos Sr. ay isang lieutenant ng 21st Division of the Philippine Army noong nasabing digmaan.
Kaya’t bilang natukoy na isang beterano at bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naging Ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas, inihandog ang museo at dambanang ito upang ibandila sa lahat ng panahon ang kabayanihan ng lahing Pilipino.
Bukod sa mas maaliwalas na exhibit contents at mga artifact displays, magbibigay din ito ng mga interactive experiences sa mga mag-aaral, mananaliksik at mga turistang bibisita rito.
Ginawang mas komperehensibo ang bagong storyline exhibit na mas madali ring maiitindihan. Binigyang diin ang naging bahagi ng Bataan sa kasaysayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas, mga dakilang ambag ng mga bayaning tagarito at serye ng mga labanan sa lalawigan noong panahong iyon.
Ipinuwesto ang bawat galleries sa akmang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa pagputok ng digmaan hanggang sa pagtatapos nito noong 1945.
Malilibot ang Mt. Samat Underground Museum sa loob ng 20 hanggang 30 minuto kung masusundan nang maayos ang storyline base sa walong major exhibit displays. Sisimulan ito sa tema tungkol sa Culture, community and context: Prologue to the Battle of Bataan; A State of Change: What Caused the War at ng Bataan as a Battle Field Site. Tampok dito ang mga serye ng mga pakikipaglaban at mga kabayanihan noong digmaan.
Susundan ito ng mga displays tungkol sa punto ng Emergence of a Threat to the Japan Invaders: Defines how the American and Filipino forces defended Bataan featuring The Last Cavalry Charge; Propaganda and Agenda: Defines the use of publications to boost the morale of soldiers during the war; Japan’s Final Assault: Tells the bombardment of the Orion-Bagac Line which covered the Mt. Samat by the enemy’s fire; The Fall of Bataan and the Cost of War; at ang Heroism in Bataan: Unmatched Gallantry of War Heroes and the Death March.
Iba pa rito ang mga pangunahing detalye sa naging papel ng Pilipinas sa pasimula, kasagsagan at pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bahagi ng 5-Year Redevelopment Plan ng Mt. Samat ang modernisasyon nitong museo. Isa nang ganap na flagship tourism enterprise zone ang Mt. Samat na nasa ilalim ng pangangasiwa ng TIEZA, sang-ayon sa itinatadhana ng National Tourism Policy Act of 2009 o ng Republic Act 9593. (UnliNews Online)
Source: PIA Bulacan