CAMP OLIVAS — Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na nagtatago ng iba’t ibang armas, mga bala sa sa Barangay San Mateo, Arayat, Pampanga, Miyerkules ng umaga (April 9).
Base sa ulat, nakumpiska ng mga pulis sa bahay ng suspek ang iba’t ibang mga armas sa bisa ng search warrant kaugnay ng paglabag ng suspek sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kabilang dito ang isang M16 COLT rifle na may serial number, mga magazine para sa rifle at pistol, rifle grenade, military uniform, kutsilyong may scabbard, at mga live ammo para sa 5.56mm at .45 caliber firearms, maging shotgun shells. (UnliNews Online)