Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsMahigit P2.1M halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa Bataan

Mahigit P2.1M halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa Bataan

CAMP OLIVAS, Pampanga — Patuloy ang mas pinaigitng na kampanya laban sa iligal na droga ng Police Regional Office 3 (PRO3) matapos makumpiska ang tinatayang P2,152,200.00 halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Abucay at Balanga City, Bataan nitong Sabado (Abril 26) at Linggo (April 27).

Sa unang operasyon noong Abril 26, 2025, bandang 11:45 ng umaga, isinagawa ng SDEU operatives ng Abucay MPS sa Brgy. Capitangan, Abucay, Bataan ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina alyas “Alvin” at alyas “Izon,” parehong high-value individuals (HVI) at residente ng Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan. Nakumpiska mula sa kanila ang tinatayang 66.5 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P452,200.00.

Samantala, sa sumunod na operasyon noong Abril 27, 2025, bandang 11:20 ng gabi, nahuli ng mga operatiba ng Balanga City Police Station ang isa pang high-value individual na si “Aldrin,” 28 anyos, sa Brgy. Bagong Silang, Balanga City, Bataan. Nakuha mula sa suspek ang 8 malaking sachets ng hinihinalang shabu, na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 250 gramo at tinatayang halaga ng P1,700,000.00.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang mga police stations habang inihahanda ang kaukulang mga kaso laban sa kanila.

Ayon kay Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3: “Hindi natutulog ang ating kampanya laban sa iligal na droga. Sa bawat araw—maging Sabado o Linggo—ang inyong kapulisan sa Gitnang Luzon ay buong tapang na isinasagawa ang mga operasyon upang iligtas ang ating mga komunidad mula sa banta ng iligal na droga.”

“Alinsunod sa direktiba ng ating Chief PNP, PGEN Rommel Francisco D. Marbil, patuloy nating pinatutunayan na ang serbisyo ng pulisya ay walang pinipiling oras, araw, o pagkakataon. Walang lugar ang droga sa ating rehiyon. Sama-sama nating itinataguyod ang isang ligtas, payapa, at maayos na pamayanan,” pahayag pa ni Fajardo. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News