TARLAC CITY — Nasa 12 katao ang patay kabilang ang 4 na menor de edad habang mahigit 20 katao ang sugatan matapos magkabanggaan ang ilang sasakyan sa bahagi ng Tarlac City Toll Plaza Exit sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nitong Huwebes ng tanghali (May 1).
Base sa ulat ng pulisya, kabilang sa nagkarambolang sasakyan ay isang truck, 3 SUV, at isang bus, kung saan may SUV ang naipit sa pagitan ng bus at truck.

Base sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng pampasaherong bus sa likuran at naging sanhi ng pagbangga sa mga nasa unahang sasakyan.
Nabatid na nakapila ang mga sasakyang nabanggit SCTEX toll plaza toll booth nang biglang araruhin ng Solid North Transit bus.
Dinala ang mga biktima sa Tarlac Provincial Hospital.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga biktima at sa kumpanya ng bus.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng bus. (UnliNews Online)

