Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsPangunahing suspek sa pamamaril sa Guagua, naaresto

Pangunahing suspek sa pamamaril sa Guagua, naaresto

CAMP OLIVAS, Pampanga — Sa tuluy-tuloy na masusing imbestigasyon at sa inilatag na hot pursuit operation ng Guagua police, matagumpay na naaresto ang isa sa mga pangunahing suspek sa pamamaril na naganap sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (JASA) Road, Brgy. San Juan Nepomuceno, Guagua, noong Linggo ng gabi (May 4).

Base sa ulat, kinilala ang mga biktima na sina “Mitch,” 19 anyos, residente ng Brgy. Lambac, Guagua, at “June,” 44 anyos, residente ng Brgy. Sta. Monica, Sta. Rita.

Ayon sa paunang imbestigasyon, pinaputukan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang itim na Yamaha NMAX motorcycle ang mga biktima bago mabilis na tumakas patungong Brgy. Natividad, Guagua.

Sa tulong ng impormasyon mula sa mga saksi at surveillance footage, agad na inilunsad ng Guagua MPS ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay “Acmad,” 42 anyos, residente ng Brgy. San Rafael, Guagua, noong Mayo 6, 2025, bandang 12:45 ng tanghali.

Nasamsam mula sa suspek ang isang caliber .45 pistol na walang serial number, tatlong bala, isang magazine, isang granada, isang Honda Click motorcycle, at isang itim na sling bag.

Ayon kay Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3, “Ang maagap at masigasig na aksyon ng ating kapulisan ay nagpapakita ng ating matibay na paninindigan laban sa kriminalidad. Hindi natin hahayaang manaig ang karahasan sa ating mga komunidad.”

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang isa pang suspek na sangkot sa krimen. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News