Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsPRO3 Media Action Center, pormal nang binuksan para sa May 12 elections

PRO3 Media Action Center, pormal nang binuksan para sa May 12 elections

CAMP OLIVAS, Pampanga — Bilang bahagi ng mas pinaigting na preparasyon para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa Mayo 12, 2025, pormal nang inactivate ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang Media Action Center (MAC) upang masiguro ang maayos, ligtas, at tapat na halalan sa rehiyon.

Pinangunahan ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, ang pagbubukas ng Media Action Center bilang suporta sa adhikain ng Commission on Elections (COMELEC) na patatagin ang demokratikong proseso at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa Gitnang Luzon.

“Ang pagbubukas ng PRO3 Media Action Center ay malinaw na patunay ng aming walang sawang dedikasyon sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan habang sinisigurong may transparency at bukas na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan lalo na ngayong panahon ng halalan,” pahayag ni Fajardo.

(PRO3)

Ang PRO3 Media Action Center ay magsisilbing central information hub para sa mga miyembro ng media at publiko na nagnanais kumuha ng opisyal na impormasyon, magtanong, o mag-ulat ng mga insidente kaugnay sa eleksyon. Layunin nitong mapabilis ang daloy ng tama, napapanahon, at tumpak na impormasyon mula sa hanay ng kapulisan.

Bukod sa regional headquarters, nagsagawa rin ng activation sa kani-kanilang Media Action Centers ang mga provincial at city police offices sa ilalim ng PRO3. Pinangungunahan ang mga ito ng mga itinalagang personnel na maglilingkod 24/7 upang tumanggap ng mga katanungan, hinaing, at ulat mula sa publiko at media.

Tiniyak ng PRO3 na katuwang nito ang sambayanan at media sa pagtiyak ng mapayapa at maayos, na halalan sa buong Gitnang Luzon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News