Sunday, June 1, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsGinang na may bitbit na P1.65M, huli sa checkpoint NE

Ginang na may bitbit na P1.65M, huli sa checkpoint NE

Pera posibleng pondo sa vote-buying?

CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang 38-anyos na ginang ang nasabat ng mga otoridad matapos makuhanan ng halagang P1,650,000.00 sa loob ng kanyang sasakyan habang dumaraan sa isang Comelec checkpoint sa Brgy. Poblacion West, Science City of Muñoz, Nueva Ecija, nitong Sabado (Mayo 10).

Base sa ulat, bandang alas-9:20 ng umaga, pinara ng mga tauhan ng Science City of Muñoz Police Station ang isang Hyundai Accent na minamaneho ng suspek na kinilalang sa alyas na “Reg,” may-asawa at residente ng Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Habang kinakausap ng checkpoint team ang ginang, napansin ng mga pulis ang isang bahagyang nakabukas na eco-bag sa loob ng sasakyan na tila puno ng salapi. Nang tanungin, kusa umanong inamin ng babae na ang bag ay naglalaman ng P1,650,000.00. Dahil dito, agad siyang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 28 ng Comelec Resolution No. 11104, na nagbabawal sa pagdadala ng malaking halaga ng pera sa panahon ng halalan maliban kung ito ay may kalakip na legal na dokumento.

Sa isang pahayag, iginiit ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang kahalagahan ng masusing pagpapatupad ng batas sa panahon ng halalan.

“Ang pagkakasabat ng malaking halaga ng salapi sa gitna ng election period ay seryosong bagay na hindi natin maaaring ipagsawalang-bahala. Mahigpit ang direktiba ng ating pamunuan na tiyakin ang integridad ng halalan—dapat itong maging patas, malinis, at ligtas. Kaya naman pinaigting natin ang Comelec checkpoints hindi lamang sa Nueva Ecija kundi sa buong rehiyon upang agad matukoy at mapigilan ang anumang uri ng paglabag sa batas kaugnay ng halalan,” ani Fajardo.

Hinihikayat din ni Fajardo ang publiko na makiisa sa mga hakbangin ng PNP upang mapanatili ang integridad ng halalan, at agarang ireport sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang aktibidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News