Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsP680M shabu nasabat sa Angeles City, 2 HVIs arestado sa anti-drug ops

P680M shabu nasabat sa Angeles City, 2 HVIs arestado sa anti-drug ops

CAMP OLIVAS, Pampanga — Dalawang hinihinalang High-Value Individuals (HVIs) ang naaresto habang nasa 101 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680 milyon ang nasabat sa isang matagumpay na joint anti-illegal drugs buy-bust operation sa kahabaan ng Friendship Highway, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Miyerkules ng umaga (Mayo 14).

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Angeles City Police Office – Drug Enforcement Unit ang operasyon, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang AFP-Counter Intelligence Group, PNP Information Technology Management Service, Regional Intelligence Division PRO3, Regional Police Drug Enforcement Unit 3, CIT-Angeles, at Regional Intelligence Unit 3.

Naaresto sa operasyon sina alyas “Wang,” 31 anyos, residente ng Clark, Pampanga; at “Shania,” 24 anyos, residente ng San Sebastian, Tarlac City.

Narekober mula sa mga suspek ang 101 kilo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na aabot sa P680,000,000.00.

Ayon kay PBGEN Jean Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang tagumpay ng operasyon ay nagpapakita ng matatag na koordinasyon ng mga ahensyang tagapagpatupad ng batas.

“Ito ay isang malaking tagumpay sa ating kampanya kontra iligal na droga. Ang pagkakahuli sa dalawang high-value individuals at pagkakakumpiska ng mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng shabu ay patunay ng dedikasyon at husay ng ating kapulisan at mga katuwang na ahensya,” ani PBGEN Fajardo.

“Ang PRO3 ay patuloy na nakikiisa sa direktiba ni PNP Chief PGEN Rommel Francisco D. Marbil sa mas pinaigting na kampanya laban sa mga sindikato ng droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga pamayanan.”

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News