Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNews12 dating rebelde, nagbalik-loob sa gobyerno

12 dating rebelde, nagbalik-loob sa gobyerno

CAMP OLIVAS, Pampanga — Bilang patunay sa epektibong kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa insurhensiya, matagumpay na sumuko at nagbalik-loob ang 12 dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) at Underground Mass Organizations (UGMO) mula sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, at Bulacan kamakailan.

Noong Mayo 13, dakong alas-4 ng hapon, boluntaryong sumuko si “Ka Mia,” isang magsasaka mula sa Brgy. Pao 3rd, Camiling, Tarlac. Siya ay dating miyembro ng KLG-TAR-ZAM sa ilalim ni Neptali Santos alyas “Ka Atong” na kumikilos sa Tarlac at Zambales. Sa tulong ng mga intel operatives ng Camiling MPS, isinuko ni Ka Mia ang isang kalibre .38 revolver na walang bala. Matapos ang tactical interview, siya ay pinalaya habang ang baril ay nasa kustodiya na ng Camiling MPS.

Samantala, noong Mayo 16 sa Brgy. Faigal, Guimba, Nueva Ecija, siyam na kasapi ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) ang sabay-sabay na tumalikod sa kanilang suporta sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), na may ugnayan sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Kabilang sa mga nagbalik-loob sina “Gloria,” “Feliza,” “Irene,” “Zenika,” “Julieta,” “Lydia,” “Norma,” “Marcelina,” at “Rualyn,” na pawang residente ng lugar. Pinangunahan ang operasyon ng 2nd PMFC ng Nueva Ecija PPO kasama ang mga yunit mula sa Guimba, Rizal, Llanera, at Quezon MPS, RMFB3, NICA3, RIU3, IOS-RID3, 84th IB-7ID PA, at 21SAC-2SAB.

Sa parehong araw, dakong alas-3:45 ng hapon, sumuko naman si “Ka Ruby,” 42 taong gulang, mula sa Brgy. Calero, Malolos City, sa 1st PMFC Headquarters sa Camp Alejo S. Santos, Bulacan.

Dating miyembro siya ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na kumikilos sa mga baybayin ng Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan. Isinuko rin niya ang isang snub-nose kalibre .38 revolver na may 3 bala. Ang pagsuko ay isinagawa ng 1st PMFC kasama ang Malolos CPS, Bulacan PIU, 70IB PA, at 301st MC-RMFB. Si Ka Ruby ay kasalukuyang sumasailalim sa dokumentasyon at tactical interrogation, at nabigyan na ng paunang tulong pinansyal.

Isa pang dating miyembro ng UGMO na si alyas “Nonoy,” 32 taong gulang, binata, at residente ng Brgy. San Eustacio, Aliaga, Nueva Ecija, ay sumuko rin noong Mayo 16 dakong alas-4 ng hapon sa Zaragoza, Nueva Ecija. Siya ay dating kasapi ng Pambansang Katipunan ng Magsasaka (PKM). Sa tulong ng mga pinagsanib na puwersa ng NEPPO 1st at 2nd PMFC at Zaragoza MPS, isinuko niya ang isang (1) kalibre .38 revolver na walang serial number at apat (4) na bala.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jean S. Fajardo, “Ang mga serye ng pagsuko ay malinaw na nagpapakita ng tagumpay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya sa ilalim ng Oplan Balik-Loob at mga inisyatiba ng mga lokal na Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). Ipinapakita rin nito ang muling pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa mapayapang pamumuhay at ang patuloy na pagkilos ng PNP sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News