Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsP1.3M shabu nasamsam sa magkahiwalay na drug bust sa Bulacan at Pampanga

P1.3M shabu nasamsam sa magkahiwalay na drug bust sa Bulacan at Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga — Sa patuloy na kampanya ng pamahalaan sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa ilegal na droga, dalawang magkahiwalay na buy-bust operations ang matagumpay na isinagawa ng pulisya sa Guiguinto, Bulacan at Guagua, Pampanga noong Huwebes (Mayo 22).

Base sa ulat kay Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3, nagresulta ang mga naturang operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang drug personalities at pagkakasamsam ng mahigit P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu at isang baril.

Ayon pa kay Fajardo, sa Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan, dakong 1:45 ng madaling araw, naaresto si alyas “Anok,” 44 taong gulang, residente ng naturang barangay at kabilang sa unified drug watchlist ng PDEA.

Nakumpiska sa suspek 96.42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P655,600.00, isang cal. .380 pistol na may serial number 9326401 na kargado ng tatlong bala, at ang buy-bust money.

Samantala, dakong alas-10 ng gabi sa Barangay Bancal, Guagua, Pampanga, isinagawa rin ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3 (RPDEU3), katuwang ang Guagua Municipal Police Station, ang isang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang bagong tukoy na High-Value Individual (HVI) na si alyas “Bert,” 40 taong gulang.

Nasamsam mula sa suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na humigit-kumulang P680,000.00, limang piraso ng tig-P1,000 marked money, at isang digital weighing scale.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng kanilang mga operating units para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Si alyas “Anok” ay mahaharap din sa karagdagang kaso sa ilalim ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng Omnibus Election Code.

Binigyang-diin ni Fajardo, ang kahalagahan ng walang humpay na aksyon ng PNP sa pagsuporta sa anti-drug campaign ng administrasyon.

“Ang dalawang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng dedikasyon ng ating kapulisan sa PRO3 sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot. Patuloy naming paiigtingin ang aming kampanya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Hinihikayat din namin ang ating mga kababayan na makiisa sa laban na ito at agad na magsumbong sa mga awtoridad kung may nalalamang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad,” ani Fajardo. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News