Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsMahigit P5M halaga ng shabu nakumpiska sa Zambales, HVI arestado

Mahigit P5M halaga ng shabu nakumpiska sa Zambales, HVI arestado

CAMP OLIVAS, Pampanga — Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga, matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang anti-drug operation sa Zambales na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High-Value Individual (HVI) at pagkakasamsam ng mahigit P5 milyon halaga ng hinihinalang shabu.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, isang buy-bust operation ang isinagawa ng Zambales Police Provincial Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Maj. Michael R. Udal, katuwang ang mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at San Marcelino Municipal Police Station. Naganap ang operasyon sa Barangay Linasin, San Marcelino, Zambales, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High-Value Individual (HVI).

Nasabat mula sa suspek ang tinatayang 755 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P5,134,000.00. Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng San Marcelino MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, ang matagumpay na operasyon at ang dedikasyon ng mga operatiba. Ayon sa kanya, “Ang pagkakasabat ng malaking halaga ng ilegal na droga ay isang mahalagang hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng bisyo at krimen sa ating rehiyon. Hindi natin pahihintulutang sirain ng droga ang kinabukasan ng ating kababayan.”

Patuloy ang panawagan ng PRO3 sa publiko na maging mapagmatyag at makiisa sa laban kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa PRO3 hotlines: 0998-598-5330 / 0917-623-5700. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News