Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsPRO3, handa para sa ligtas na Balik-Eskwela 2025

PRO3, handa para sa ligtas na Balik-Eskwela 2025

CAMP OLIVAS, Pampanga — Ganap nang nakahanda ang Police Regional Office 3 (PRO3) upang tiyakin ang seguridad, kaayusan, at maagap na pagtugon sa anumang banta ng kriminalidad na maaaring samantalahin sa panahon ng pagbabalik-eskwela.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang kapayapaan at sugpuin ang krimen, mas pinaigting ng PRO3 ang kanilang mga hakbang sa seguridad para sa kapakanan ng publiko, lalo na ng mga mag-aaral.

Magkatuwang ang kapulisan, mga opisyal ng paaralan, kinatawan ng lokal na pamahalaan, at mga force multipliers sa paglalagay ng Police Assistance Desks (PADs) sa mga paaralan upang maagapan ang anumang insidente ng pananakit, pandurukot, snatching, at iba pang uri ng pagnanakaw.

Tinatayang mahigit 420 pulis ang itatalaga sa iba’t ibang lugar sa rehiyon upang magsilbi sa humigit-kumulang 225 PADs na nakapuwesto malapit sa mga paaralan.

Inaasahan din ang matinding daloy ng tao at trapiko sa mga terminal at lansangan, lalo na sa paligid ng mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Bilang tugon, mas pinaigting pa ng PRO3 ang foot at mobile patrols upang mapanatili ang seguridad sa mga kritikal na lugar.

Ayon kay Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, “Sisiguraduhin po natin na aktibo at alerto ang buong hanay ng PRO3 sa pagtupad ng aming tungkulin para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mag-aaral, guro, at magulang. Hindi natin pahihintulutan na ang pagbabalik-eskwela ay hadlangan ng takot o banta ng kriminalidad. Hinihikayat ko ang pakikiisa ng bawat isa—mga magulang, guro, estudyante, at kasamahan sa pamahalaan—upang maging ligtas at matagumpay ang pagbubukas ng klase ngayong Taong Panuruan 2025–2026.” (Unlinews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News