LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal na inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Marilao, sa pangunguna ni Mayor Jem Sy, ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.
Sa kanyang unang flag raising ceremony, binigyang-diin ng unang babaeng alkalde ng Marilao ang kahalagahan ng sapat na nutrisyon para sa mga bata.
Aniya, “hindi siya papayag na maging normal ang pagkagutom sa ating bayan. SYsiguruhin niya na ang bawat bata ay may sapat na pagkain, malusog na pangangatawan, at maliwanag na kinabukasan.”
Katuwang sina Vice Mayor Ariel Amador at mga konsehal ng bayan, inilatag Mayor Sy ang mga programang tutugon sa malnutrisyon sa ating bayan.
May temang “Sa PPAN Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat! Food at Nutrition Security, Sapat na Pagkain, Karapatan Natin” kabilang sa ilulunsad ng pamahalaang bayan ang Nutriban Feeding Program para sa mga batang may edad 59 buwan pababa. Kasabay nito, tututukan din ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga magulang, lalo na ng mga ina, tungkol sa wastong nutrisyon.
Dumalo rin sa naturang flag ceremony sina Bokal William R. Villarica at Bokal Kat Hernandez. (UnliNews Online)
Source: MarileNews