BALAGTAS, Bulacan — Pormal na inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang programang “Benteng Bigas Meron Na (BBM) Para sa Magsasaka” sa National Food National Food Authority (NFA) Balagtas Warehouse 3 sa Barangay Burol 2nd dito noong Miyerkules ng umaga (Aug. 13).
Ayon sa panayam ng mga mamamahayag kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, ang programang “Benteng Bigas Meron Na (BBM) Para sa Magsasaka” ay nagmula rin sa kahilingan ng mga magsasaka na nais ding maging bahagi ng P20 na bigas.
“At definitely sila naman ang ating producer talaga ng ating programa ay open arms at ginawa na rin itong programa pra sila na rin ay makapag-avail. Ang priority ng programa sa ngayon ay yung may 2 hectares and below at pati narin yung mga walang lupa na nagtatratrabaho rin sa bukid,” Guevarra said..
Ipinaliwanag din ni Guevarra ang mga kinakailangan para sa mga magsasaka upang maka-avail ng programa, “ang mga maliliit na magsasaka ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo kada buwan. Maaari rin silang maka-avail ng isang sako o 50kg ng bigas hanggang Disyembre.”
Dagdag pa niya, ang mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na nagsasaka ng dalawang ektarya ng lupa o mas mababa pa at ang mga manggagawang bukid ay karapat-dapat para dito.
18 NFA warehouses ang naglunsad ng programa ngayong araw, August 13, at ang target ay ilunsad ito sa mahigit 100 NFA warehouses sa buong bansa pagsapit ng Setyembre,” saad ni undersecretary. Ang NFA warehouses ay magbubukas mula 8 a.m hanggang to 5 p.m.
Ayon kay Zenaida Agustin, isang magsasaka mula sa Barangay Santo Rosa 2, Marilao, Bulacan, napakaganda ng proyektong ito ng PBBM dahil sa totoo lang ay mabibili na natin ang bigas sa halagang P20. Sana ay mapalawig pa ang programang ito para sa mga magsasaka para mas maraming magsasaka ang makinabang.
Sa kabilang banda, si Emelita Agapito, ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan, said in an interview, “kahit 50 kilograms lang ang inilaan sa atin, malaking tulong at malaking programa ito ng ating Pangulo. Malaking tipid ito para sa mga maliliit na magsasaka na tulad natin dahil P20 lang kada kilo. Sana ay madagdagan pa ang programang ito dahil malaking tulong ito sa atin.”
Samantala, ipinapatupad din ng local government unit ng Pandi ang P20kg Rice para sa mga residente ng Pandi program sa bawat barangay.
Ayon kay Pandi Mayor Rico Roque nitong Huwebes, lahat ng residente ng Pandi na may hawak na E-Card ay maaaring maka-avail ng programang ito. Ang bawat residente ng Pandi na may hawak na E-Card ay maaaring bumili ng 5 kilo ng bigas bawat tao.
“Kung ang isang pamilya ay may 5 katao na may E-Card, maari silang bumili ng 5 pack ng limang kilo bawat isa,” ani Mayor Roque.
Dagdag pa ng alkalde, ginamit natin ang E-Card para protektahan ang inilabas na pondo ng Pandi LGU at baka pati mga taga ibang bayan ay bumili sa atin.
Ang programang P20kg Rice para sa mga residente ng Pandi ay mula sa inisyatiba ni Mayor Roque at ng Pamahalaang Bayan ng Pandi. (UnliNews Online/Manny D. Balbin)

