ILANG buwan na lamang at sasapit na ang Barangay and Sanggunian Kabataan Elections (BSKE) at dahil dito, marami ang nagnanais na lumahok sa BSKE sa darating na buwan ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Sa aming barangay ay limang contender sa pagka kapitan ng barangay Sipat, sa bayan ng Plaridel ang posibleng maglaban-laban. sila ay sina incumbent Barangay Captain Oscar Gabriel Jr., ex-brgy Captain Manolito Dela Cruz, ex-barangay Kagawad Felicidad Santos-Arididon at ang dalawang incumbent kagawad sina Kag. Mario Reyes at Kag. Lani Lucas.
Sina Kag. Lucas at Kag. Reyes ay kilalang kilala na sa barangay dahil kasalukuyan silang nanunungkulan bilang kagawad. Gayundin si Kap. Oscar na kasalukuyang kapitan ng barangay samantalang si ex-Kapitan Lito ay kilalang kilala sa aming barangay at sa bayan Plaridel dahil naging pangulo siya ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Plaridel.
Pero itong si ex-Kagawad Fel, hindi pa siya gaanong kilala ng mga bagong sibol na botante kaya naman nagpapakilala na siya. Alam ba ninyo kung sino si Konsi Fel? siya ang kagawad na hindi pumipirma sa anomang dokumento kapag alam niya na hindi dumaan sa tamang proseso. Hindi rin niya pinalalampas ang pagbili ng anomamg bagay na gamit ang pondo ng barangay lalo na kung hindi natalakay sa session kaya ang barangay treasurer ang kanyang binabalitaktakan.
Kilala nina ex-kapitan Lito Dela Cruz at Kap. Oscar Gabriel ang character ni Konsi Fel, bilang miyembro ng Sanggunian Barangay dahil kagawad siya noon ni Kap Lito at kalhim ng barangay naman noon si Kap. Oscar. Natatandaan ko pa ang kwento ni Konsi Fel, noong ang Casa Vista sa Barangay Sipat ay itatayo pa lamang, mayroong papeles na galing sa munisipyo na pinapirmahan sa kapitan at mga kagawad. Si Konsi Fel lang ang hindi lumagda sa nasabing kasulatan dahil labag sa kanyang kalooban.
Sa aking pamagat sa column article na ito kung bakit marami ang nagnanais na tumakbo sa BSKE, sa pagka kapita, lagawad at SK, marahil ay dahil sa isasabatas na Magna Carta for Barangay Officials na kung saan ang mga halal na opisyal ng barangay ay magiging regular na empleyado ng gobyerno at may mataas na sweldo at mga pribilehiyo. Sa susunod na paksa ay tatalakayin ko ang inaabangang Magna Carta for Barangay Officials. (UnliNews Online)

