CAMP ALEJO SANTOS, City of Malolos — Nagsagawa ang Bulacan Police Provincial Office ng physical accounting and inspection ang BPPO Civil Disturbance Management (CDM) Personnel at Security Support Force bilang paghahanda sa ika-40 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution at sa gaganaping 3rd Trillion Peso March sa Miyerkules (Feb. 25).
Ayon kay Col. Angel Garcillano, Bulacan Provincial Director, layon na naturang aktibidad suriin ang kahandaan, kagamitan, at kakayahan ng mga itinalagang personnel upang matiyak ang maayos, ligtas, at mapayapang pagsasagawa ng mga aktibidad.

Nais ding matiyak ang mataas na antas ng kahandaan ng kapulisan sa pagbibigay ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad, dagdag pa ni Col. Garcillano.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa PNP Focused Agenda ng Chief, PNP, P/Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., na naglalayong palakasin ang kakayahan ng kapulisan sa pagtugon sa mga malalaking pagtitipon at iba pang mahahalagang kaganapan, kasabay ng pagpapatibay ng tiwala ng publiko sa hanay ng kapulisan. (UnliNews Online)

