Wednesday, February 25, 2026
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTFiscal Independence sa Magna Carta for Barangay Workers

Fiscal Independence sa Magna Carta for Barangay Workers

ITONG Magna Carta for Barangay Workers/Officials Act at dalawang dekada nang nakabinbin sa lower and upper chamber ng ating Kongreso. Matagal nang minimithi ng mga nanunungkulang halal na barangay officials na maipasa ang batas na ito upang sila ay maging empleyado na rin ng gobyerno at kamtin nila ang katampatang benepisyo bilang mga lingkod ng barangay.

Matatamdaan na panahon pa ng dating kalihim ng DILG Eduardo Año, ay mainit na usapin na itong Magna Carta for Barangay Officials. Ngayong si Jonvic Remulla na ang secretary ng DILG ay hindi pa rin umuusad ang nasabing panukalang batas. Ano nga ba ang mga sagwil at hindi mapagtibay o maisabatas ang nasabing proposed bill.

Eh, ano ba naman ang kapakinabangan ng Magna Carta for Barangay Officials Act sa mga halal na opisyal ng barangay at ng kanilang mga staff tulad ng barangay secretary, barangay treasurer o barangay administrator? Ganire ‘yan. Ayon sa panukalang batas, ang mga Punong Barangay ay tatanggap ng sahod na katumbas ng suweldo ng miyembro ng Sangguniang Bayan, habang ang mga Kagawad ay tatanggap ng 80% nito. Ang mga Barangay Secretary at Treasurer naman ay tatanggap ng 75% sa kanilang regular na sweldo bilang mga kawani ng pamahalaan.

Halimbawa. Sa isang munisipalidad ang konsehal ng bayan ay sumasahod ng 100 libong piso kada buwan, gayundin halaga ang magiging sahod ng kapitan ng barangay at ang mga kagawad ng barangay ay sasahod ng otsenta mil na tumataginting samantalang P75,000.00 naman ang sasahurin ng tesorero at kalihim ng barangay. Magtataka pa ba kayo kung bakit marami ang nagnanais maging kapitan at  kagawad ng barangay. Mangyayari lang iyan kung magiging ganap na batas ang Magna Carta for Barangay Officials.

Pero teka, ang kapitan, kagawad, treasurer at secretary ng barangay lang ba ang mapagkalooban ng gayong pribilehiyo? Paano naman ang mga clerk, mga tanod, mga lingkod lingap sa nayon, mother leaders, barangay health workers, mga lupon tagapamayapa ang iba pang volunteers na pawang frontliners din ng barangay hindi ba sila kasali sa magandang benepisyo ng magna carta?

Mayroong mga probisyong nakapaloob sa Magna Carta for Barangay Officials/Workers tulad ng fixed salary, at mga benepisyo g ng medical assistance, health insurance, GSIS, SSS, hazzard pay, travel and food allowance at iba pang mga benepisyo gaya ng tinatanggap ng mga obrerong Pinoy.

Teka muna, ano naman ang fiscal Independence na makakamit ng mga opisyal at mga kasangguni sa barangay at bakit hindi mapagatibay ang nasabing panukalang batas? Sa aking palagay at kuro-kuro, ang barangay kapag batas na ang Magna Carta for Barangay Officials ay matutulad ang barangay sa Local Government Units na may Fiscal Independence. Ibig sabihin, kaya nang tumayo sa sarili paa ang barangay at dahil dito, hindi na sila mahahawakan sa leeg ng mga pulitiko. Ganyan din ang magiging kalagayan ng mga barangay officials.

Ito naman ay kuro-kuro lang. (Unlinews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News