Thursday, February 26, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsP20K halaga ng gamot kada taon sinimulan nang sagutin ng PhilHealth sa...

P20K halaga ng gamot kada taon sinimulan nang sagutin ng PhilHealth sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Inilibre na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P20,000 halaga ng suplay ng gamot sa bawat pasyente kada taon.

Iyan ang biyaya na hatid ng programang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) na pormal nang inilunsad sa Bulacan.

Nagsilbing pilot area nito ang Telecure Clinic and Pharmacy sa Barangay San Vicente sa Lungsod ng Malolos na binuksan kasabay ng pagdiriwang ng Ika-31 Taong Anibersaryo ng ahensya.

Paliwanag ni PhilHealth Region III-Branch B Acting Manager Arlan Granali, basta’t ang pasyente ay nakapagpa check up sa mga medical provider na accredited ng ahensya sa ilalim ng programang Yaman ng Kalusugan (YAKAP), libreng makukuha nito ang mga medisina sa mga botikang rehistrado sa programang GAMOT.

Aabot sa 75 uri ng gamot ang saklaw ng naturang programa partikular sa mga pangangailangan sa mga may sakit na diabetes at high blood o alta presyon.

Ang magkaugnay na mga programang YAKAP at GAMOT ay pawang mga flagship program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Act. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News