Thursday, February 26, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 'tulak' ng ilegal na Droga, arestado sa Plaridel

2 ‘tulak’ ng ilegal na Droga, arestado sa Plaridel

PLARIDEL, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ng Plaridel Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni P/Lt. Col. Resituto E. Granil, police chief, ang isang buy-bust operation nung Wednesday (Feb. 25) sa Brgy. Lagundi, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal dahil sa pag-iingat ng iligal na droga.

Nabisto ang mga suspek matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer kapalit ang halagang P500.00. Matapos ang transaksyon ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang tinatayang 2.0 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P13,600 kabilang ang buy-bust item at ang ginamit na marked money.

Ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan alinsunod sa batas, at isinagawa ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa presensya ng mga itinakdang saksi mula sa barangay, DOJ, at media.

Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng RA 9165 laban sa mga naaresto.

Patuloy ang paalala ng kapulisan sa publiko na makiisa at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News